Showbiz News

WATCH: Bianca Umali reacts to 'next Kapuso Primetime Queen' tag

By Aedrianne Acar

Overwhelmed ang Kapuso teen star na si Bianca Umali sa sinasabi ng mga tao na siya ang susunod sa yapak ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

EXCLUSIVE: Bianca Umali gives warm welcome to returning Kapuso star Rayver Cruz

Sa katatapos na guest appearance niya sa Kapuso ArtisTambayan, nag-react ang former Kambal, Karibal star sa sinabi ng isang netizen na siya ang future Marian Rivera.

Wika ni Bianca, “Thank you so much nakaka-overwhelm po and I'm thankful. Salamat!”

Tulad din ng Kapuso Primetime Queen, tutok din si Bianca sa pagwo-workout.

Kaya nagbigay din siya ng payo sa mga Kapuso kung paano ma-motivate ang sarili para ma-achieve ang pinapangarap na sexy figure.

Saad niya, “Yes, super ko hilig na mag-workout. Be patient ako, yun talaga and yung consistent.

“Also yung discipline, kasi nasa sa iyo naman 'yan.”

Samantala, huwag bibitaw sa gumagandang kuwento nina Ella at Emma sa Daig Kayo Ng Lola Ko na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Amazing Earth.