What's Hot

Maricris Garcia, inisip na bang iwan ang showbiz?

By Bianca Geli
Published September 14, 2018 3:03 PM PHT
Updated September 14, 2018 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Sa loob ng 11 years ni Maricris Garcia sa mundo ng entertainment, sumagi ba sa isip niya na iwan ang showbiz?

Papalapit na ang birthday anniversary concert ng Kapuso singer na si Maricris Garcia. Ang concert niyang pinamagatang MAR1CR1S: Anniversary Birthday Concert.

IN PHOTOS: Maricris Garcia's MAR1CR1S: Anniversary Birthday Concert press conference

Dumating na raw ang tamang panahon para ipagdiwang ng Kapuso diva ang kaniyang ika-11 na taon sa kaniyang career.

Ngunit bago makarating sa kaniyang ika-11 na taon, marami rin daw pinagdaanan na pagsubok si Maricris.

Naisipan niya ba noon na ipagpaliban na lang ang kaniyang singing career?

Kuwento ni Maricris, “Kagaya ng maraming journey, hindi naging madali, hindi lahat ng times nasa taas ka, minsan nasa baba ka pero 'yun 'yung magpapatibay sa 'yo.”

“'Yun 'yung magpapalakas sa 'yo. Minsan napapaisip ako, it's been 11 years na pala. In my case ininjoy ko lang, 'yung mga trials in-embrace ko siya kasi 'yun 'yung naghubog sa kung ano ako ngayon.”

Dagdag niya, “'Yung pag-give up hindi pa naman pumasok sa isip ko pero 'yung sinisisi 'yung sarili maraming beses nang pumasok sa isip ko, parang 'Ano bang problema sa akin?'

“Pero hindi rin ako nawalan ng faith na kaya ko ito. May mangyayari, naniniwala lang ako ng ganun so patuloy pa rin.

Maricris Garcia on showbiz status: "Hindi palaging sikat na sikat ka"

“May part sa akin na ina-acknowledge talaga 'yung pagiging La Diva ko, hindi puwedeng mawala 'yun kasi for the longest time, siguro mga four or five years din kaming magkakasama, marami akong natutunan.”

Itinanghal na grand champion si Maricris sa Pinoy Pop Superstar Year 3 noong 2007. Naging miyembro rin si Maricris ng La Diva kasama sina Aicelle Santos at Jonalyn Viray na napanood sa dating programang SOP.

Siya rin ang kumanta ng theme songs ng ilang Kapuso shows tulad ng "Kung Sana Bukas" (Babangon Ako't Dudurugin Kita), "Ibibigay Ko Ang Lahat" (The Half Sisters), "Iniibig Kita" (MariMar), "Ako'y Mahalin" (Destiny Rose); at ngayo'y "Huwag Kang Papatay" ng Ika-5 Utos.

LOOK: Kaninong binti ang may tattoo na mukha ni Maricris Garcia?