Showbiz News

Lovi Poe, todo head bang sa concert ni Dua Lipa sa Manila

By Catherine Doña

Katatapos lang ng Manila concert ng sikat na English singer-songwriter na si Dua Lipa kagabi, September 14 sa Mall of Asia Arena.

Isa sa mga Kapuso celebrities na pumunta sa naturang concert ay si primetime actress Lovi Poe.

Nagbahagi ng isang litrato sa Instagram ang Kapuso singer kung saan nasa background niya si Dua Lipa.

Aniya, "Well one thing's for sure; it wasn't just a @Dualipa concert last night. I was singing my heart out, belting out every single word, and I've never head banged that much in my life!! The #DuaLipaManila experience was one for the books!"


Nagpasalamat naman si Dua Lipa sa kanyang mga taga-hanga sa Pilipinas.

Aniya sa kanyang Instagram post, "Thank you Manila!! What an incredible show! Thank you for tonight. Just what we needed."