Showbiz News

#NoCompetition: Saab Magalona, nakiusap na huwag ipagkumpara ang celebrity babies

By Aedrianne Acar

May paalala ang singer/blogger na si Saab Magalona sa netizens na maging maingat sa mga komento na binibitawan patungkol sa mga anak ng mga artista.

#PanchoGerardo: Cutest photos of Saab Magalona's miracle baby

Dinaan ni Saab ang pakiusap sa Twitter nang may mabasa siyang comments tungkol sa kaniyang anak na si Baby Pancho.

Aniya, “Super appreciate all the love for Pancho but please do not pit babies against other babies! They are all cute and not everything is a competition.”

Umamin din ang celebrity mom na nawawalan siya ng gana mag-post sa tuwing may makikita siyang mga ganitong komento sa social media.

Nanganak si Saab nito lamang taon, ngunit namatay ang twin sister ni Pancho noong February 8.