Showbiz News

Vic Sotto on Baby Tali's popularity: 'Kahit naman ako member ako ng fan club niya'

By Aedrianne Acar

Wala na sigurong tatalo pa kay Vic Sotto sa pagiging fan ni Talitha Maria Luna-Sotto o Baby Tali.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Bossing, masaya sila ng kanyang misis na si Pauleen Luna na maraming napapasaya ang anak nila online, dahil sa mga nakakagigil na photos at videos niya.

LOOK: New studio shots of adorable Baby Tali

Wika ni Vic, “Kahit naman ako member ako ng fan club niya. Fan ako ni Tali kasi, lalo na pag wala ako sa bahay pinapadalhan ako ng picture o video nung mama [Pauleen Luna] niya parang nakakawala ng pagod.”

“Ang nakakatuwa naman marami siyang napapa-smile na tao, marami kaming natatanggap na mga direct messages na we are always waiting for pictures of Tali. Nakaka-good vibes daw, nakakatuwa naman.”

Malaki rin ang pasasalamat ng veteran Eat Bulaga host na napakabait na bata ng kaniyang baby girl.

“At talaga naman nakaka-good vibes eh dahil napakabait na bata. Kahit kanino sumasama [laughs].”

Bukod sa Eat Bulaga, kasalukuyang busy si Bossing sa shooting ng 2018 Metro Manila Film Festival movie niya kung saan makakasama niya ang Phenomenal star Maine Mendoza at si Coco Martin.