Showbiz News

Andi Eigenmann, nag-react nang sabihan na mukha siyang 'naninisid ng tahong'

By Aedrianne Acar

Kuntento sa kaniyang simpleng buhay ang aktres na si Andi Eigenmann na malayo sa dati niyang mundo sa showbiz.

LOOK: Where is Andi Eigenmann now?

Matatandaan na noong nakaraang Hunyo, naglabasan ang mga reports na nagbenta ng ilang properties si Andi para mamuhay ng simple sa Baler, Aurora.

Makikita rin sa mga social media posts ng anak ni Jaclyn Jose na sobra niyang nae-enjoy ang buhay lalo na ang pagsu-surf.


Pero tila hindi nagustuhan ni Andi ang ilang komento ng netizens patungkol sa kaniyang itsura ngayon.

Isang netizen ang tahasang nagkomento sa Instagram page ng celebrity mom at sinabi na mukha siyang “naninisid ng tahong.”

Ayon naman sa post ni @iamsonaima, nasayang daw ang ganda niya bilang isang artista.

Agad naman tumugon dito si Andi, “It saddens me how there are people as shallow as you who think that it's a waste to focus on more important things than the way we look.”

Nilinaw rin ng aktres na inaalagaan siya ng kaniyang special someone na si Philmar Alipayo.

Kasalukuyang nasa Japan si Philmar para mag-compete sa 2018 Urban Research ISA World Surfing Games.

READ: Andi Eigenmann on rumored BF Philmar Alipayo: 'I love you'