advertisement
Showbiz News

Kapuso Year in Review 2015: Most controversial social media posts

of 15

Anabelle Rama

Ilang oras lamang matapos ang TV interview ni Ruffa Gutierrez, sunod-sunod na rants ang inilabas ni Anabelle Rama sa kanyang Twitter. Noong mga panahon na 'yon ay napabalitang mayroong hindi pagkakaunawaan ang mag-ina.

of 15

Lea Salonga

Nag-post si Lea Salonga ng isang cryptic message na inakala ng karamihan na patungkol sa AlDub.

of 15

Ang Poet Nyo

Samantala, makalipas lamang ang tweet na ito ni Lea ay agad na nag-post si Joey de Leon ng kanyang patama. Agad natapos ang kontrobersya nang sabihin ni Lea na hindi niya tinutukoy ang AlDub sa kanyang post.

advertisement
of 15

Anonymous PH

Sa dami ng fans na nag-aabang sa social media posts ni Maine Mendoza, nagulantang ang lahat nang ma-hack ng Anonymous PH ang Twitter account ni Yaya Dub.

of 15

Kim Chiu

Dahil sa lumabas na isyu tungkol sa 'di umano'y pagkakapareho ng gown nina Yaya Dub at Kim Chiu, hindi na napigilan ng huli na mag-react sa kanyang Twitter account.

of 15

Isabelle Daza

Hindi nagustuhan ng mga taga-Siquijor ang ginamit na hashtag ni Isabelle Daza sa kanyang Instagram post na #Siquiwhores nang magbakasyon siya sa nasabing lugar.

advertisement
of 15

Jackie Forster

Sa kanyang Instagram, ipinahayag ni Jackie Forster ang kanyang mensahe laban sa tumatayong ina ngayon ng kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

of 15

Maggie Wilson

Naging sikat ang Yaya Meal post na ito ni Maggie Wilson nang ikuwento niya ang diskriminasyong naranasan nila sa kanilang pagbisita sa Balesin nitong taon.

of 15

Ina Raymundo

Nakakuha ng negative comments si Ina Raymundo nang ipakita niya ang kanyang sexy body sa Instagram. Mayroong ilang netizens ang naitiman sa kili-kili ng aktres. Agad namang hinamon ng aktres ang mga ito.

advertisement
of 15

Rhap Salazar

Naging kontrobersyal din ang Twitter post na ito ni Rhap Salazar tungkol sa singers na nagli-lip snyc tuwing nagpe-perform.

of 15

Gab Valenciano

Isang madamdaming Facebook post ang inilabas ng former actor na si Gab Valenciano kung saan niya ikinuwento ang naranasang depression sa kanyang pagiging artista.

of 15

Veejay Floresca

Matapos ang diskriminasyong naranasan ng fashion designer na si Veejay Floresca sa Valkyrie, inihayag niya ang kanyang pagkadismaya sa Facebook.

advertisement
of 15

Shaina Magdayao

Isang cryptic post ang in-upload ni Shaina Magdayao matapos ang TV interview ni Angelica Panganiban. Napag-usapan sa nasabing panayam si John Lloyd Cruz, ang boyfriend ngayon ni Angelica at ex-boyfriend ni Shaina.

of 15

Kris Aquino

Agaw-pansin din sa netizens ang post na ito ni Kris Aquino kung saan ipinakita niyang nagkaroon siya ng sunburn dahil sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa bansa kamakailan.

of 15

Enchong Dee

Unang inilabas ng Yes! Magazine ang larawang ito nina Enchong Dee at Piolo Pascual. Naglabasan ang iba't-ibang memes gawa sa litratong ito at imbes na maapektuhan ay sinakyan na lamang ni Enchong ang isyu.

advertisement