Showbiz News

LOOK: Dingdong Dantes at Marian Rivera, wagi sa 8th EdukCircle Awards

By Michelle Caligan

Hinirang bilang Most Influential Film Actor of the Year si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Most Influential Female Endorser of the Year si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa ginanap na 8th EdukCircle Awards.

Hindi nakarating si Dong sa awarding ceremony, kaya si Marian ang tumanggap ng awards nilang mag-asawa.

Mapapanood sa Instagram account ng The Dongyanatics ang acceptance speeches ng aktres.

Nang tanggapin ang award ni Marian ang award ng kanyang asawa, sinabi niya, "Pasensiya na po kayo at hindi po makakapunta ang asawa ko.

"Pero pinapasabi po niya na maraming salamat po at nawa'y daw po tangkilikin natin ang sariling ating pelikula."


May advice namang iniwan si Marian sa mga estudyante sa audience nang tanggapin niya ang kanyang award. "Isa lang ang masasabi ko sa mga estudyanteng nandito. Mag-aral kayong mabuti dahil iba pa rin ang may pinag-aralan."


Bukod sa DongYan, ilang Kapuso personalities pa ang ginawaran ng parangal.

Kabilang dito sina Jessica Soho, Ivan Mayrina, Regine Velasquez-Alcasid, Drew Arellano, Eugene Domingo at Jose Manalo.

READ: Kapuso luminaries win at 8th Edukcircle awards.