Showbiz News

WATCH: Ilang Kapuso celebrities, handa na para sa Pasko

By Marah Ruiz

Advanced kung mag-isip ang ilang celebrities lalo na pagdating sa paghahanda para sa Pasko.

Si Andrea Torres, nagsisimula na raw mamimili ng mga regalo para sa kanyang family at friends.

"Gusto ko siyempre 'yung napag-iisipan ko 'yung ibibigay ko sa bawat tao. Ayoko ng minamadali ako kaya ngayon pa lang, talagang naghahanap na rin talaga ko," bahagi niya.

Charity work naman ang pagkakaabalahan ni Julie Anne San Jose

"I'm gonna be spending my Christmas with children na tinutulungan ko din," pahayag niya.

Tiba-tiba naman sa trabaho ang comedic duo na sina Donita Nose at Tekla.

"Maraming trabaho kasi 'pag December. Maraming nage-events ng December so maraming nagha-hire sa amin--Christmas party, corporate shows, mga ganun," kuwento ni Donita Nose.

"For me, wala pa kong plano ng Christmas kasi peak season 'to eh," pagsang-ayon naman ni Tekla.

Alamin ang mga plano ng iba pang mga Kapuso stars sa buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: