Showbiz News

Marian Rivera, thankful sa suporta ng lahat sa kanyang second pregnancy

By Marah Ruiz

Bumuhos ang mga pagbati para kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera matapos niya i-announce ang kanyang pagbubuntis sa kanyang Instagram account.

JUST IN: Marian Rivera confirms second pregnancy

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng pagbati at mga dasal mula sa kanilang pamilya, kaibigan at mga tagahanga.

"Taos puso akong nagpapasalamat sa pagmamahal ninyo," sulat niya.

Ito ang pangalawang baby nina Marian at asawang si Kapuso Primetime King Dingong Dantes. Ang kanilang panganay na si Zia ay magtatatlong taong gulang na sa parating na Nobyembre.

#YesAnotherDantes: Stars from rival networks react to DongYan's Baby No. 2

Ngayon, hinihintay na ng kanilang fans ang gender reveal at pangalan ng pangalawang supling nina Marian at Dingdong.