Showbiz News

Lolit Solis on DongYan's growing family: 'Mahal ng langit ang mag-asawa'

By Cherry Sun

Masaya ang beteranong showbiz manager at talk show host na si Lolit Solis sa paparating na blessing sa buhay nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Baby Zia ngayong nagdadalang-tao ang Kapuso Primetime Queen.

Kuwento ni Lolit sa kanyang Instagram post, “May kapatid na si Zia at tuwang-tuwa ang lahat dahil mukhang magaan magdala ng pregnancy si Marian, maaliwalas at masaya ang mukha niya, at ang ganda-ganda niya. Motherhood really makes a woman complete. Iyon ibigay ang blessing na iyon kina Dingdong at Marian, ang gandang gift from above. Gusto ko rin iyong pahayag ni Dingdong, hindi muna siya sasabak sa pulitika, mas priority niya ang pag-aalaga at security ng pamilya niya, bago harapin ang ibang bagay.”

Naniniwala rin siyang deserving sila sa magandang itinatakbo ng kanilang buhay at pamilya. Aniya, “Hay naku, talagang mahal ng langit ang mag-asawa kasi nga mabait silang tao, anak at magulang ng sarili nilang anak. Congrats, Dantes family, we love you Marian ang Dong, welcome to your coming baby, at more love for Zia.”