Showbiz News

Derrick Monasterio, masuwerte dahil sa mga eksena nila ni Sanya Lopez sa 'Wild and Free'

By Michelle Caligan

Ang Wild and Free ang first movie na pagtatambalan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez. Unang beses man nilang makatrabaho ang isa't isa ay nakitaan agad sila ng chemistry, lalo na sa kanilang intimate scenes.

WATCH: Full trailer of Derrick Monasterio and Sanya Lopez's new film, 'Wild And Free'

Sa ginanap na press conference para sa naturang pelikula nitong Martes, September 25, sa Valencia Events Place, inamin ni Derrick na masuwerte siya sa mga eksena nila ni Sanya.

Aniya, "Character-wise, naisip ko na ang suwerte ko. And bilang artista, bilang Derrick, sabi ko ang suwerte ko pa rin. Talagang na-appreciate ko lalo si Sanya ngayon kasi, hindi naman dahil nakita ko 'yung body niya, pero mas na-appreciate ko 'yung talent niya at dedication niya sa work. 'Yun 'yung nakakabighani sa kanya more than the physical attributes."

Nagkaroon ba ng pagkakataon na nakaramdam siya ng malisya kay Sanya?

"Sorry ha, pero siyempre meron (laughs). Kailangan eh, hindi talaga puwedeng hindi kasi girlfriend mo nga. At some point kailangan talaga."

Produced by Regal Entertainment Inc., Wild and Free hits theaters nationwide on October 10.