READ: Aicelle Santos has the sweetest birthday message for Maricris Garcia
Distance doesn't matter para sa magkaibigang Aicelle Santos at Maricris Garcia.
Kahit nasa United Kingdom si Aicelle para sa Miss Saigon tour ay hindi pa rin niya nakalimutang batiin ang kanyang dating La Diva co-member na nagdiwang ng kanyang 31st birthday kahapon, September 26.
Ipinost ni Aicelle sa Instagram ang kanilang throwback photo noong kanilang Party Pilipinas days.
Bungad niya sa caption, "Life is full of laughter with you beside me. Hindi ko malilimutan ang makukulit nating mga araw!"
"I only wish you true happiness in everything you do: married life and career! Always know I'm a message away when you need me," mensahe ni Aicelle para sa birthday girl.
Ipinahayag din ni Aicelle ang kanyang suporta kay Maricris para sa concert nito na gaganapin bukas, September 28, sa Teatrino Greenhills.
Sabi ng Miss Saigon actress, "Kung nasa Pilipinas lang ako, ako ang pinakamaingay na audience member sa concert mo bukas! Miss kita at ang mala-anghel mong tinig! I Love you and I'm so proud of you!"
Parehong produkto sina Aicelle at Maricris ng singing talent show na Pinoy Pop Superstar. Grand champion si Maricris ng Season 3 ng programa, samantalang first runner-up naman si Aicelle noong Season 2.