Showbiz News

EXCLUSIVE: Manolo Pedrosa gustong makapareha si Kate Valdez

By Jansen Ramos

Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang pumirma si Manolo Pedrosa ng co-management contract sa GMA Artist Center pero at home na siya sa pagiging Kapuso.

GMA executive Lilybeth Rasonable says Manolo Pedrosa has the potential to become a leading man

Na-a-appreciate niya raw ang mainit na pagtanggap ng Kapuso artists lalo ng kanyang mga co-stars sa Pamilya Roces. "Sobrang welcoming nila as new artist in GMA. I feel so welcomed, as in, I'm enjoying it so far." sabi niya sa isang exclusive interview.


Ibinunyag pa ni Manolo ang kanyang napupusuan maging on-screen partner bukod kina Kyline Alcantara at Bianca Umali na nakatrabaho niya sa weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Bahagi ng Kapuso newbie, "I also want to work with Kate Valdez, she is a potential love team."

"I met her na sa Charade of Stars sa Sunday PinaSaya so I'm looking forward to work with her siguro after Daig [Kayo Ng Lola Ko.]" patuloy niya.