What's Hot

EXCLUSIVE: Rhian Ramos, matagal nang pangarap ang maging bahagi ng isang action movie

By Michelle Caligan
Published October 1, 2018 5:55 PM PHT
Updated October 1, 2018 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sto. NiƱo images blessed at Tondo Church during feast day
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Rhian Ramos, na-challenge gawin ang kanyang role sa pelikulang Tres. Alamin dito kung bakit:

Masaya si Kapuso actress Rhian Ramos na mapasama sa pelikulang Tres ng Imus Productions dahil natupad nito ang matagal na niyang pinapangarap na mapasama sa isang action movie.

WATCH: Pelikulang Tres, handog nina Bryan, Jolo at Luigi Revilla sa amang si Bong Revilla, Jr.

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com sa bahay ng aktres, nagkuwento si Rhian tungkol sa kanyang role sa “72 Hours,” ang pangalawang kuwento sa naturang three-part action anthology.

Tres comes out on October 3!! Later today you can catch us at Starmall EDSA for our mall show =) see you at 4pm!

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

"'Yung pangalan ko sa movie is Alexa. Isa siyang PNP agent sa unit ni Marius, played by Jolo [Revilla]. We are tasked to stop the entrance of a drug lord into the Philippines.

“'Yung title is '72 Hours' kasi 'yun 'yung time-frame that we're given in between 'yung pagpasok ng drug lord at pag-alis niya sa Pilipinas.

“May side story din ang character ko na 'yung kapatid niya kasi nawawala. So she has to make certain choices if it's going to be good for her job or her family."

Dagdag pa niya, "It's nice to be a part of it, and masaya ako na makitang nabubuhay ulit ang genre ng action.

“Lalo na being in this movie with Imus Productions kasi isa din sila sa mga production house na bumuhay sa action back in the day.

“Kaya ko rin naging dream makakuha ng action movie kasi feeling ko marami akong matututunan in the process, and marami nga naman."

Aminado rin si Rhian na naging challenge sa kanya ang paggawa ng pelikulang ito dahil kasabay nito ang teleserye niyang The One That Got Away.

"Dahil nga kasabay ng TOTGA ang pag-shoot namin ng movie na 'to, I was jumping from one character to another every other day. And sobrang magkaiba 'yung mga characters ko doon.

“Sa TOTGA, sobrang kikay and maarte and sosyal, habang 'yung character ko dito sa '72 Hours' parang rough and matapang and walang kaarte-arte. She just wants to do her job right and complete her mission," saad niya.

Sa tulong na rin ng kanyang direktor at co-stars, maayos naman daw niyang nagampanan ang kanyang role.

"Grateful lang ako kasi 'yung director namin na si Dondon Santos, ang dami talaga niyang experience with that genre.

“Na-guide niya ako nang mabuti in terms of my role, sa mga kilos ko, sa mga shots na ginagawa niya lalo na sa fight scenes.

“'Tapos si Jolo naman, tinutulungan niya ako kasi marami siyang experience naman with gun handling na ako hindi gaano.

“Nakapag-shooting range na ako before pero nakatayo ka lang. Dito sa movie 'yung requirement is tumatakbo ka.

“They taught me how to be natural with a gun as if PNP agent ako for many, many years."

Tres opens in theaters nationwide on October 3.