Showbiz News

EXCLUSIVE: Devon Seron, nagsalita kung ideal boyfriend ba si Kiko Estrada

By Aedrianne Acar

Natutuwa ang Kapuso actress na si Devon Seron na maraming netizens ang kinikilig sa love team nila ng Kapuso hottie na si Kiko Estrada.

#BagayBa: Kiko Estrada and Devon Seron

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Devon sa isang pictorial nito lamang September 28, ito raw ay dahil sa naging team up nila sa pelikulang 'Walwal' na umani ng positive reviews.

Ani Devon, “It's because of our last movie Walwal napakaganda ng reviews and 'yun nga dahil sa mga character din namin and now okay naman kami. We are getting to know each other.”


Diretsahan namin tinanong ang dalaga kung ideal boyfriend ba ang tulad ni Kiko.

Pero naging matipid ang sagot dito ni Devon.

Wika niya, “Uhm trabaho muna ako (laughs). Yes sa work naman, bina-balance ko 'yung life ko and ayoko naman 'yung puro babad lang ako sa trabaho.

“May time din ako sa family ko, sa friends ko and you know for myself.”