Showbiz News

EXCLUSIVE: Rhian Ramos fulfills childhood dream of studying abroad

By Michelle Caligan

Ang September 28 episode ng Taste Buddies na ang huling episode ng isa sa hosts nito na si Rhian Ramos. Ito ay bunga ng desisyon ng aktres na mag-aral sa New York.

WATCH: Taste Buddies: Solenn Heussaff, naiyak dahil kay Rhian Ramos!

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ni Rhian na matagal na niyang pangarap ang mag-aral sa ibang bansa.


"High school pa lang ako, iniisip ko na that someday mag-aaral ako sa ibang bansa.

“Gusto kong ma-experience na tumira sa ibang lugar kasi feeling ko, doon ka maraming matututunan eh.

“Hindi lang sa studies, but also in life na you will learn to adjust to different kinds of people who had a different upbringing from you."

Dagdag pa niya, "I'm going to take two short courses and each one is about three months long, so a total of about six months.

“Although in between, balak ko rin naman bumalik kasi alam kong mami-miss ko lahat dito."

LOOK: IN PHOTOS: Inside the childhood home of Rhian Ramos

Bakit ngayon niya naisip na tuparin ang childhood dream na ito?

"Lagi ko siyang dinelay kasi siyempre pumasok na ako sa showbiz tapos nagtuluy-tuloy na lang from there.

“Naisip ko, baka hintayin ko na lang matapos ang contract ko.

“Kaso nung natapos, may bagong opportunity na naman, ayoko namang sayangin.

“Pero na-realize ko kasi later on na if not now, when?

“Dream ko siya since 13 pa lang ako and I'm 27 now and I'm able to do it.

'Na-realize ko na lang na sa akin pala manggagaling kung kailan ang right time."

Ang Kapuso hunk na si Gil Cuerva ang papalit kay Rhian sa Taste Buddies simula ngayong Sabado, October 6.

Gil Cuerva is grateful to be the new host of Taste Buddies