
Sa gitna ng mga espekulasyon kung sino ang taong nanamantala kay Kris Aquino, isang pakiusap ang inihayag ng TV host-actress-celebrity influencer.
Kris Aquino victim of financial abuse and betrayal
Sa kanyang Instagram post kahapon, October 4, ipinakiusap ni Kris sa kanyang followers na huwag magbanggit ng ano mang pangalan kung magko-comment sa kanyang mga post.
Aniya, “The comments section won't be deactivated. I humbly request that you post NO NAMES NOR ACCUSATIONS; I stand with FAIRLY upholding the rule of law, thus there is no need to make this trial by publicity based on popular opinion."
“The TRUTH is already more than enough. #laban”
Kris Aquino: "I am now broken"
Sa parehong post, sinabi rin ni Kris na naghahanda na siya sa kanyang pagbabalik-trabaho.
“I look forward to slowly going back to work, honoring all my commitments with a 100% trustworthy team starting next week.”
Kaugnay nito, nabanggit ni Kris na kailangan niyang sundin ang payo sa kanya ng doctor na tumingin sa kanyang kalagayan nang magpa-check up siya sa Singapore.
Kuwento ni Kris, “I am taking to heart his advice to release at an achievable pace what caused me emotional & intellectual stress, because in his words 80% of illness is worsened by what burdens us.
“My doctor said to focus on life's POSITIVES.”