
Tampok ang mga komedyanteng sina Divine at Tetay sa September 29 episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Kapag Tumibok Ang Puso.”
Gumanap sila bilang sina Rose at Dexter, isang kuba at isang bading na umibig sa isa't isa sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Kalaunan ay nagdesisyon si Dexter na maging lalaki para kay Rose.
Ayon kay Tetay, first time niyang ginawa ang ganitong role at nasa bucket list daw niya na magampanan ito.
"We're very excited kasi it's my first time to do something like this. Parang oh my God, sa lahat ng mga ginawa ko, mako-cross out ko na ito sa bucket list ko dahil I did something I've been wanting to do for so long," kuwento niya sa kanilang Kapuso ArtisTambayan session ni Divine.
Hindi rin daw sila nailang sa isa't isa.
"Magiging lalaki ako dito and I will get chummy with her and all, walang ilang," dagdag niya.
Sinang-ayunan naman ito ni Divine. "Magkasama kami ni Ate Tetay sa Dear Uge kaya alam ko exciting ito. Kasi iba siya sa Dear Uge, iba siya dito."
Narito ang buong video: