Showbiz News

Carl Guevara proud BF kay 2018 Miss World PHL First Princess Chanel Morales

By Aedrianne Acar

Sa simula pa lamang ng journey ni Chanel Morales sa Miss World Philippines 2018 ay todo na ang suporta ng kaniyang boyfriend na si Carl Guevara.

Makikita sa Instagram post ni Carl noong Agosto na sobra siyang proud sa kaniyang girlfriend nang mapasama ito bilang official candidate ng beauty pageant.

Matatandaan na umamin ang actor/model na si Carl na in a relationship siya kay Chanel taong 2015.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Chanel sa kaniyang guwapong boyfriend.

Bago pumasok sa showbiz, unang napanood si Carl sa model search na Be Bench. Kasama din siya sa Kapuso soap ng DongYan na My Beloved taong 2012.