Showbiz News

READ: Regine Velasquez, nagalit sa nagsabing manggagamit asawa niyang si Ogie Alcasid

By Aedrianne Acar

Pumalag ang Sarap Diva host na si Regine Velasquez-Alcasid nang mabasa ang masasakit na salita na binitiwan ng isang basher patungkol sa kaniyang asawa na si Ogie Alcasid.

Makikita sa comment section ng Instagram page ng former Bubble Gang star na inakusahan ito ng isang netizen na ginagamit nito si Regine para sa kaniyang career.


Agad na nag-react ang Asia's Songbird sa mapanirang komento ng basher.

Saad ni Regine, “Gusto ko lang malaman ano pa ba ginawa ng asawa ko sa inyo? Bakit galit na galit kayo sa kanya?”

“Hindi po ako ginagamit ng asawa ko at kung ginagamit man nya ako EH ANO NAMAN ANG PAKIALAM MO DUN!!!”

Nag-reply din si Ogie Alcasid sa negative post na ito ng “God Bless You.”

Taong 2010 nang ikasal sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa isa't isa sa Nasugbu, Batangas.