
Ramdam ng Kapuso hottie na si Rodjun Cruz ang pagmamahal ng mga malalapit niyang kabigan sa showbiz sa kaniyang 31st birthday.
READ: Rodjun Cruz, nananatiling loyal Kapuso
Una sa mga bumati kay Rodjun ang kaniyang fiancée na si Dianne Medina na nag-post ng throwback photo ng kanilang engagement last year.
“A year ago ️ YES YES YES!!! I love you so much and Happy Happy Birthday my @rodjuncruz ️”
Ilan naman sa bumati sa Kapuso actor ang award-winning director na si Adolf Alix Jr., Ahron Villaflor, Edgar Allan Guzman at Phytos Ramirez.