Dumating na si Kuya Germs sa kanyang mother network ngayong January 13 pagkatapos dumaan sa Sampaguita Films, kung saan nagsimula ang career niya bilang aktor.
11AM nakarating ang mga labi ng Master Showman sa GMA Network, Studio 7.
Sinalubong ang showbiz legend ng mga GMA Network employees. Pinagsuot din ang mga empleyado ng puti at hinayaang magbigay pugay sa Master Showman.
AVP for Drama Ms. Cheryl Ching Sy, together with Program Manager Ms. Camille Hermoso.
SVP for Entertainment TV Ms. Lilybeth Rasonable and GMA Consultant Ms. Marivin Arayata
Ang pamangkin ni Kuya Germs at co-host niya sa ‘Walang Tulugan’ na si John Nite ang nag-aayos ng mga litrato ng Master Showman.
Ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno (far left) ay nakipagkamay sa mga empleyado at bisita sa pagsalubong.
Ang mga empleyado naman ay binigyan ng pagkakataon na pumirma sa guestbook at magbigay ng mensahe para sa pamilya ni German “Kuya Germs” Moreno.