Showbiz News

LOOK: Aubrey Miles, ayaw na magbuntis?

By Aedrianne Acar

Certified hot momma ang former sexy star na si Aubrey Miles sa latest maternity shoot nito.

MUST-SEE: Aubrey Miles shows four-month old baby bump!

Makikita sa Instagram ni Aubrey ang pagiging active nito kahit preggy na sa second baby nila ng kaniyang parter na si Troy Montero. May una na silang anak na pinangalanan nilang Hunter Cody Sandel Miller.

Bumuhos naman ang papuri mula sa netizens na lubos na humanga kay Aubrey na blooming kahit buntis.

Umamin din ang aktres sa kaniyang Instagram followers na maaaring ito na ang huling beses na magkaka-baby siya.

Mayroon pang isang anak si Aubrey Miles sa dating boyfriend na si JP Obligacion na si John Maurie.