Showbiz News

Teresa Loyzaga, may sagot sa netizen kung bakit nito pinagbabawalan ang anak na magkaroon ng motorsiklo

By Aedrianne Acar

Mariin na tinutulan ng My Special Tatay star na si Teresa Loyzaga ang anak na si Diego Loyzaga na magkaroon ng motosiklo matapos makita sa Instagram page nito ang isang black motorbike.

Sa palitan nila ng mensahe sa comments section ng Instagram, makikita na pinapili ni Teresa si Diego kung ang ano mas mahalaga: ang motorsiklo nito o siya.

“SIMPLE CHOICE” BIKE OR ME! You take that bike or any other bike home, I will leave!! NO BIKES FOR MY BOYS!!!”

Isa namang netizen ang nagkomento sa Instagram page ni Diego at diretsahang tinanong si Teresa kung bakit ayaw niya payagan ang anak na sumakay sa motorbike, pero hinahayaan ito sumali sa mga car race.

“You cheer on your son when he's zooming a car around a racetrack at death-defying speeds, but give him an ultimatum for a motorcycle?”

Heto ang paliwanag ng Kapuso versatile actress.

“In the “Celebrity races” my son was part of it, it is in a controlled environment. No public flow of traffic… Accidents happen anywhere yes. The probability of it happening on a bike on open roads with public flow of traffic is highest and my main concern.”

Anak ni Teresa Loyzaga si Diego sa dating action star na si Cesar Montano.