Showbiz News

GMA shows and personalities, kinilala sa 8th OFW Gawad Parangal

By Michelle Caligan

Ilan sa inyong paboritong Kapuso artists and programs ang paparangalan ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) sa 8th OFW Gawad Parangal ngayong taon.

Kinilala sina Arnold Clavio bilang Best Male Newscaster & TV Host para sa Unang Hirit, Dingdong Dantes bilang Best Documentary Host para sa Amazing Earth, Marian Rivera bilang Best Actress para sa Milya-milyang Agwat ng Mag-ina episode ng Tadhana, Jennylyn Mercado bilang Best Actress para sa The Cure at ang mga programang Tadhana bilang Best OFW True-to-Life-Stories at Sunday PinaSaya bilang Best Variety Show.

Paparangalan din sina Tricia Zafra at Marisol Abdurahman bilang Outstanding Field Reporter, Marvin Agustin bilang Best Actor para sa Kambal Karibal, Gladys Guevarra bilang Best Comedienne, at Mike 'Pekto' Nacua at Romeo 'Tekla' Librada bilang Best Comedian.

Gaganapin ang awarding ceremony sa December 9, 2018 sa Selah Pods Hotel, Pasay City.

Congratulations, Kapuso!