Showbiz News

READ: Lolit Solis, bakit naiinggit kina John Lloyd Cruz at Andi Eigenmann?

By Cherry Sun

Inamin ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post na naiinggit siya kina John Lloyd Cruz at Andi Eigenmann dahil sa simpleng buhay ng mga ito sa kabila ng kanilang pagiging artista.

Pansin ng beteranang talk show host at talent manager kung paano tinalikuran ni Andi ang maluhong buhay para manirahan sa probinsiya. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nawawalan ng showbiz projects ang batang aktres.

Aniya, “Simple na ang buhay na gusto niya at siguro dun niya nakita ang inner peace na hinahanap niya. Pero hindi naman siya tumatanggi sa trabaho, 'pag meron tinatanggap niya.”

“Colorful ang life ni Andi, pero inayos niya para na rin siguro sa sarili niya at anak. Si Andi kasi dugo ng mga artist na sila Mark Gil at Jaclyn Jose, kaya siguro ang temper niya iyon sa isang artist din. Kung saan siya maligaya, dun siya, kung ano ang palagay niya mabuti for her iyon gagawin niya. At dahil nga punong-puno siya ng talent hayun, kahit malayo siya may mga offer siya, lagi pa rin siya may trabaho,” dagdag niya.

Hanga siya sa piniling landas ni Andi at pati na rin ng aktor na si John Lloyd na tahimik nang nagsisimula ng sariling pamilya kasama si Ellen Adarna.

“I can say nakakainggit ang ganyan freedom, lalo sa showbiz na kung minsan ang mga dapat mo gawin ay sumunod sa norms na gusto ng mas marami. To be out of the box like Andi and John Lloyd Cruz is so much courage and strength. Bongga. Bonggang bongga,” pagtatapos ni Lolit.

Photos by: johnlloydcruztm (IG) and andieigengirl (IG)