Showbiz News

LOOK: Angelika dela Cruz, may bagong project kasama sina Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann?

By Aedrianne Acar

May ilang netizens ang nakapansin sa Instagram post ng versatile actress na si Angelika dela Cruz patungkol sa makakasama niya sa susunod niyang soap.

Sa nasabing litrato, may pahiwatig ito sa susunod niyang show kung saan makakasama niya ang dalawa sa dekalibreng Kapuso talents na sina Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann.

Kamakailan lang nanalo sa kategoryang Best Drama Supporting Actor si Gabby sa 32nd PMPC Star Awards for TV para sa mahusay niyang pagganap sa Contessa.

Excited naman ang mga netizens sa posibilidad na magsama sa iisang project sina Angelika at Sunshine na napanood sa hit afternoon soap na Ika-6 Na Utos at si Gabby Eigenmann.