Showbiz News

Arnold Clavio, sinurpresa ng 'Tonight With Arnold Clavio' team

By Gia Allana Soriano

Magdiriwang ng kaarawan si Arnold Clavio sa November 2, ngunit may advance pa-birthday na ang kanyang Tonight With Arnold Clavio team para sa kanya.

Aniya, "Naku maraming salamat sa 'surprise' birthday episode sa Tonight with Arnold Clavio @twacofficial. Maraming salamat din kay bro @john__estrada sa pag-host ng show... Puwede!!! At salamat din kay @joelzobel at @cesarlacuna. At siyempre salamat din sa pagpunta at pagbati ng mga 'batang diabetiko' mula sa Adopt a Child with Diabetes program na tinutulungan ng Igan Foundation. #iganfoundation . Kayo ang dahilan kaya ako nagtatagal sa industriya. Bukingan, tawanan at serbisyong totoo... Abangan!!!"

Advance happy birthday, Igan!