Showbiz News

Andre Paras, gustong maka-love team ulit si Barbie Forteza?

By Gia Allana Soriano

Sa isang interview with Tunay Na Buhay, ikinuwento ni Andre Paras na gusto niyang muling makapareha si Barbie Forteza sa isang show.

Nagkasama ang dalawa sa GMA drama na The Half Sisters at ang Telebabad romcom na That's My Amboy.


Aniya, "Bilang isang love team is something [na] sana puwede maulit. Kasi kay Barbie, I learned so much from her.

"And hindi lang sa pagiging isang aktor, but [sa pagiging] isang makulit na tao. And I guess 'yung nakikita niyo ngayon, 'yung pagiging makulit ko is galing kay Barbie. Dahil she's very confident."