Showbiz News

Barbie Forteza, childhood dream ang maging artista

By Gia Allana Soriano

Childhood dream talaga ni Barbie Forteza ang maging isang aktres, aniya pangarap niyang "pumasok sa TV" noon. Ika niya, "Akala ko kasi dati 'yung mga artista nasa loob ng TV literal." Diin pa niya, "Gusto ko maging artista talaga.

Galing din sa humble beginnings si Barbie, kuwento niya, "Gumagawa po dati ng kahon ng yema dati si mama. Tapos si daddy po nag-de-deliver. Tricycle driver po si daddy."

Kaya naman kahit taga-Laguna pa sila, talaga inilaban niya ang kanyang childhood dream at nag-audition ng nag-audition dito sa Manila.

Nakuha naman ni Barbie ang break niya sa pagganap bilang batang Jodi sa GMA remake ng Korean drama na Stairway To Heaven. Ngayon ay isa nang multi-awarded actress si Barbie na nagpapamalas ng kanyang talento sa drama at comedy.