Showbiz News

Thea Tolentino, nais maging boses ng LGBTQ Community

By Bianca Geli

Naging mas inspired ang Kapuso actress na si Thea Tolentino na magsilbing boses ng LGBTQ Community ngayong gaganap siya bilang isang transgender woman sa upcoming GMA Afternoon Prime na Asawa Ko, Karibal Ko.


Kuwento ni Thea sa naganap na Asawa Ko, Karibal Ko bloggers' pilot week viewing, “Sobrang honored ko kasi napakalaki ng role na ito, hindi lang sa show, pero sa nangyayari rin sa'tin ngayon.

“Sobrang laking bagay na on TV may makakapagbigay ng message sa mga tao promoting gender equality.”

Hangad din daw ni Thea na makatulong na matanggap ng mga manonood ang bagong teleserye nila nina Kris Bernal at Rayver Cruz.

“Actually, more on ma-promote ito na hindi pa matanggap fully, lalo na importante sa mga magulang, na hindi matanggap ang mga anak na gustong mag-out.

“Napakakalaking bagay na tanggap ka ng family mo,” sabi ni Thea.

Ibinahagi rin ni Thea ang mga natutunan niya sa naging immersion niya kasama ang crew ng Asawa Ko, Karibal Ko with transgender women.

Isa sa mga naikwento raw sa kaniya ng mga nakilalang transgender ay ang mga problema na kanilang hinaharap dahil sa pagiging transgender.

“'Yung paghahanap ng trabaho, lalo na raw dati, pinagsu-suit sila, e, sa puso nila babae talaga sila.

“May discrimination din daw na nangyayari, 'yun 'yung pinakamahirap.

“'Tsaka kapag pumupunta ng CR. Kapag sa male CR, nagagalit 'yung iba. Kapag sa female CR, may magagalit din.

Dagdag ni Thea sa huli, “Natuwa ako kasi marami akong nalaman na bago about LGBT community and how they're fighting for equality.”

“Sana talaga matanggap na ng lahat, na maintindihan na nila. Yung equality naman kasi hindi naman dapat yun hinihingi, e..”