Showbiz News

Mike Enriquez, may mensahe sa mga nagdasal para sa kanyang quick recovery

By Gia Allana Soriano

After almost three months ng pagpapahinga, nagkaroon na ng first public appearance si Mike Enriquez para sa Eleksyon 2019 Memorandum of Agreement (MOA) signing na naganap kahapon, October 19, sa GMA Network Inc. sa Quezon City.

Nagpahinga ang Kapuso broadcast journalist pagkatapos ng kanyang heart bypass surgery.

Sambit ni Mike, "Natanong ako kung kaya ko na mag-host. So, naisip namin... ito ang magandang pagkakataon na lumabas na ako sa publiko.

"Lalo pa ngayon magkakaroon ng eleksyon sa susunod na taon. Mas lalong importante ang pagpapalaganap ng totoong balita. Kaya pupuntiryahin at pupuspusan natin gagawin.

"Sinasagad ko ang pagpapagaling ko at pagpapalakas ko. Para sa pagbabalik ko sa himpapawid, sa normal na trabaho, ay tuloy-tuloy na."

Ito naman ang mensahe ng broadcaster sa mga nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kanya: "Ang maisusukli ko lang po sa inyo ay ang pagpapalakas po ng aking kalusugan, para lalo po kaming makapaglingkod sa inyo. Para sa inyo po ang lahat ng ito, eh."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: