Showbiz News

Bakit hindi na takot si Jake Zyrus na magbasa sa social media?

By Aedrianne Acar

Hindi madali ang naging transition ng singer na si Jake Zyrus bilang isang transman.

TRIVIA: 32 celebs at ang mga pinaretoke nila sa katawan

Pero sa kabila nito masaya si Jake na maraming tao ang sumusuporta sa kaniya online.

Sa isang tweet nito lamang Huwebes, October 18, umamin ang singer na natatakot siya noon magbasa ng komento sa social media.

Ngunit nagbago na daw ang lahat matapos mabasa niya na may mga taong nagtatanggol sa kaniya online.

Sabi ni Jake, “I used to be scared reading comments on social media, but I tried today and I am actually lucky to have people defend me. I don't know who they are. But I am so happy there are people who have balls to stand up for their kababayan and educate people. Love you”

Malapit na rin i-launch ni Jake Zyrus ang kaniyang libro na 'I Am Jake' ngayong Sabado ng hapon sa Glorietta mall sa Makati City.