Showbiz News

LOOK: Direk Mark Reyes, may pasilip sa unang pelikula ng Sang'gre Productions

By Cherry Sun

Ipinasilip ni Direk Mark Reyes ang isang eksena sa unang pelikula ng Sang'gre Productions, ang kanyang production house kasama ang dating Encatadia stars na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado at Karylle.

Ibinahagi ni Direk Mark ang isang eksena na kuha sa isang restaurant. Ayon sa kanyang post, ikatlong araw na ng kanilang taping nitong Sabado, October 20.

Ang naturang pelikula ay ang comeback project ng original na mga Sang'gre ng Encantadia kung saan sila ay magsasama-samang muli.