
Isang katangian ang hinahangaan ni Lolit Solis kina Alden Richards at Coco Martin. Ano nga ba ang pagkakapareho ng dalawang aktor?
Ani Lolit, saludo siya sa pagkaresponsable nina Alden at Coco sa kabila ng tinatamasa na nilang tagumpay.
Paliwanag niya, “Imagine ha sa popularidad nila, sa mga achievement nila, sa dami ng mga kinikita nila, nagagawa nila na focus muna sila sa trabaho at wala munang lovelife. Trabaho nila at propesyon ang pinagbibigyan nila ng oras, iyon munang mga pangarap nila na gustong matupad, huwag muna magkaroon ng distraction.”
Palagay rin ng beteranang talk show host at manager na may napupusuan ang dalawang aktor ngunit isinasangtabi muna nila ito dahil iba ang kanilang priority.
Wika niya, “Sure ako na sa puso nila may gusto din sila itangi, pero sa ngayon gusto muna nila na matatag na buhay, iyon malaking ipon at stable na sila pagdating ng panahon. At kung sakali hintayin sila ng kanilang minamahal suwerte nila dahil responsible man ang hinintay nila. Responsible man in the sense na uunahin muna ang stability kaysa sa panandaliang ligaya.”
“Jackpot ang magiging Mrs. Coco Martin at Mrs.Alden Richards,” sambit din niya.