Showbiz News

WATCH: Aicelle Santos, sa London pa nag-recording para sa GMA News and Public Affairs theme song na 'Panata Sa Bayan'

By Marah Ruiz

Si Kapuso singer and actress Aicelle Santos ang bagong tinig ng GMA News and Public Affairs theme song na "Panata Sa Bayan."

Ang naturang kanta ay bahagi ng komprehensibong coverage ng network sa parating na eleksyon sa 2019.

"Masaya po akong napili na umawit ng theme song ng GMA. Masayang maging bahagi sa hangarin nilang magkaroon ng tapat at mapayapang eleksiyon," pahayag ni Aicelle.

Sa London pa ini-record ni Aicelle ang kanta dahil kasalukuyang siyang bahagi ng UK and Ireland tour ng hit musical na Miss Saigon.

"Mararamdaman mo 'yung pagkamakabayan sa kantang 'to. It's like inspiring people, 'di ba? Ihahatid mo sila sa direksiyon na katotohanan at tapat na pagboto," aniya.

Bukod kay Aicelle, umawit din para sa theme song si The Clash Finalist Garett Bolden.

Panoorin ang buong ulat ni Mariz Umali para sa 24 Oras: