Showbiz News

LOOK: Rufa Mae Quinto, kinilig na makita ang mga 'original na pogi' sa buhay niya

By Aedrianne Acar

Nagbalik tanaw ang comedienne na si Rufa Mae Quinto nang aksidente niyang makita muli ang dalawa niyang kasama dati sa 'Bubble Gang.' Halos 17 na taon din niyang nakasama ang mga Kapuso hotties na sina Antonio Aquitania at Wendell Ramos sa longest running gag show ng bansa..

Sa Instagram post ni Rufa Mae, tinawag niya ang dalawa na mga 'original pogi' sa buhay niya.

“Ang mga original pogi sa buhay ko sa larangan ng comedy .. mga ka bubble gangers ko! Nakaka duling sa gwapo after my husband and daddy haha ,ang appeal at pag ka macho nila, 'di matatawaran!”

Sobra din natouch siya dahil itinuring siyang parang kapatid nila Wendell at Antonio na palaging nakaprotekta sa kaniya.

“And kasama ko sila noon mga 17 years na pinag samahan! Dalaga pa ako. They always protect me as their little sister! Super thanks talaga for being kind and gentlemen to me since then and now! Yaaa!! Galore! Kasama ko sila sa birthday party! My gosh nag kita Lang kami ng Di inaasahan sabi ko I wanna pass by this store..gut feel ko, first time ko din pumasok sa store na to , ayun nakita ko si @antonioaquitania Andito sila, i was asking pwede ba bumili at pumasok ? Biglang si @wendellramosofficial Andito din pala ayun, napa stay tuloy kami ng anak ko ng todo! Go go go! I miss you both mga idol! Love ko kayo️ Happy."

Nag-react naman si Antonio sa sweet Instagram post na ito ni Rufa Mae Quinto sa pagpost ng kiss emojis.

Napapanood si Antonio Aquitania sa hit afternoon soap na Ika-5 Utos, samantalang bida naman si Wendell Ramos sa patok na primetime series na Onanay.