
Naging kontrobersyal ang social media post ng former The Voice Philippines finalist na si Daryl Ong patungkol sa pagpapakatotoo sa sarili.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Daryl kung ano ang mararamdaman niya sakaling matsismis o makwestiyon ang kaniyang sexual orientation.
"If I was the one accused of being gay, (maliban nalang kung may kasamang threat or binastos ako at pamilya ko) hindi siguro ako mag aaksaya ng panahon mag react lalo na kung alam ko naman na hindi totoo, at kung nagkataon mang totoo, eh ano naman? Ano ngayon? Bat mo naman itatago? Pag bakla ka ba criminal ka?"
Diin ni Daryl na wala siyang nakikitang masama kung aamin man ang isang public figure sa tunay niyang kasarian o sexual orientation.
Saad ni Daryl, “Di ko kase talaga gets bakit hanggang ngayon na 2018 na may mga public figure parin na nagpapanggap maging lalake, tapos pag na issue, papalag-palag. Ano ba binebenta mo? Talent mo o kasarian mo?
"Bat kelangan pa kase magpanggap. Bat di nalang magpaka-totoo. Masarap maging totoo sa sarili at sa maraming tao. Mas masarap yung niyayakap ka ng tao kung sino ka talaga.”
Bagama't wala siyang partikular na taong tinutukoy sa kaniyang post, umani ito ng iba't-ibang reaksyon sa social media.
May ilan din netizen ang nagsabi na 'tila patama ito sa isyu na kinasasangkutan ngayon nina Darren Espanto at Juan Karlos 'JK' Labajo.
Usap-usapan kasi ngayon ang word war sa pagitan ng dalawang teen singers, matapos diumano tawagin na bakla ni JK si Darren sa kaniyang Tweet.
Darren Espanto threatens legal action against JK Labajo
Agad naman naglabas ng paglilinaw si Daryl sa Twitter para sa mga taong hindi nagustuhan ang kaniyang opinyon.
“Hey guys, it was just an open thought. No hate here. Ang point ko is pagiging totoo sa sarili NO MATTER WHAT. Yun lang. wala akong inaakusahan. I just shared my perspective AYON SA NASAKSIHAN KO SA LOOB for the past 4 years.