Mapapanood na ang bagong romcom-serye this Monday after 'Little Nanay!'
Si Andre Paras ay si Bryan Ford, ang serious at guwapong hot actor of today's generation! Although mabait sa fans, arrogante naman si Bryan pagdating sa mga katrabaho niya.
Si Barbie Forteza naman ay si Maru Carreon, ang PA ni Bryan Ford. Anak siya ng dating artistang si Cecille Carreon. Simple at mabait, pero hindi nagpapatalo kapag nakikipagbangayan na kay Bryan.
Ito ang pangalawang beses na magkakatambal sina Andre Paras at Barbie Forteza. Kung dati ay heavy drama ang dalawa, dito sa 'That's My Amboy' ay mas mapapakita nina Andre at Barbie ang makulit na side nila.
Ang 'Heneral Luna' star na si John Arcilla ang gaganap bilang Tatay Lito, ang stuntman na ama-amahan ni Barbie Forteza (bilang Maru). Isa raw itong malaking shift from 'Heneral Luna,' ngunit very refreshing din ang pagsabak niya ulit sa isang light comedy drama this year.
Ang 'Sunday PinaSaya' regular na si Jerald Napoles ay si Tope, ang magiging driver ni Bryan Ford na tagapagbigay din ng mga "manly" advice sa aktor. Ibang atake naman daw ang gagawin ni Jerald dito compared sa mga antics niya sa 'Sunday PinaSaya.'
Si Pam Prinster ay gaganap bilang Miley, ang on-screen ka-love team ni Bryan Ford.
Si Donita Rose ang magiging Nanay Cecille ni Maru. Excited naman si Donita dahil magagamit na niya sa wakas ang wikang Pangasinense dito sa show. Ika niya, fluent nga raw siya sa dialect na ito.
Si Tonton Gutierrez naman ay gaganap bilang dating matinee idol na veteran actor na ngayon.
Jerald Napoles with the ladies, Pam Prinster and Jazz Ocampo. Si Jazz Ocampo ay si Trina, ang girlfriend ni Bryan at on-screen partner ni Patrick Almeda (portrayed by Kiko Estrada.)
Si Meryll Soriano ang gaganap na manager ni Bryan na si Ms. D.
Si Kiko Estrada ay ang rising star na si Patrick Almeda.
"That’s My Amboy is a light, romantic-comedy series that will surely pull the heartstrings of the viewers and will make them feel good and ‘kilig’ every night."
'That's My Amboy' is directed by Bb. Joyce Bernal.
The cast of 'That's My Amboy' took a groupie after the press con.