
Isa-isang sinagot ng teen singer na si JK Labajo ang mga negative post ng kaniyang mga basher sa Instagram.
Pumutok ngayong linggo ang word war sa pagitan nila ni Darren Espanto sa Twitter matapos diumano tawaging bakla ni JK si Darren.
READ: Darren Espanto threatens legal action against JK Labajo
Dumepensa si JK Labajo at iginiit na ang naturang tweet ay gawa ng isang hacker.
Makikita naman sa comment section ng Instagram page ni Darren ang sunod-sunod na negative comments patungkol kay JK
Silipin ang naging tugon ng teen singer sa mga masasakit na salita na binitawan ng netizens laban sa kaniya.
Ngunit hindi naman lahat ay laban kay JK. May mga naniniwala sa kanya at hindi pa rin nawawala ang suporta, Katulad na lang ni Dabarkad at Asia Asia's Next Top Model grand winner na si Maureen Wroblewitz na nagkomento sa larawan ni JK nang mag-guest sa isang radio station.
Matatandaan na-feature si Maureen sa music video ng hit single ni JK Labajo na “Buwan.”