Showbiz News

Gladys Reyes, planong magpahinga muna showbiz?

By Gia Allana Soriano

Ngayong tapos na ang romantic-comedy series ng GMA na Inday Will Always Love You, plano munang magpahinga Gladys Reyes mula sa paggawa ng mga teleserye.

Ang aktres ay gumanap bilang si Amanda, ang pangunahing kontrabida sa karakter ni Barbie Forteza.

Aniya, "Well, siguro, sabi ko nga, medyo nakakapagod din pala na maging Amanda-riffic, while doing IWALY.

“So, ang talaga naka-plan is magbabaksyon muna, ganyan, kami ng family.

“Pero tingnan natin kung may bigla Siyang paparatingin sa akin na blessings, bakit ko naman tatangihan."

Bukod sa pag-arte, busy din si Gladys sa kanyang skin care line at restaurant business called ESTELA.

Aniya, nag-venture siya sa business para "may fall back" kapag wala masyadong project sa showbiz.