Showbiz News

WATCH: Eva Patalinjug, nag-ala-Miriam Quiambao sa Miss Grand International 2018 preliminaries

By Gia Allana Soriano

Stumbled but did not fall ang nangyari kay Miss Grand International 2018 Philippine representative Eva Patalinjug sa preliminaries, na ginanap sa Myanmar noong Martes, October 23.

Sabi ng 24-year-old Cebuana beauty sa kanyang Instagram post, "'Our greatest glory in life is not in never falling, but in rising every time we fall.'

“Tonight, my heart is filled with joy knowing that my entire country stood up with me when I fell at the @missgrandinternational stage.

“I hope that I have shown courage, strength and the essence of rising from every stumble in life.

“Laban mahal kong Pilipinas!"

Maaalala na noong 1999, halos ganito rin ang nangyari kay Miss Universe first runner-up Miriam Quiambao.

Sa halip na maging negative ito, mas napag-usapan pa si Miriam noon.

Sa katunayan, naging positive pa rin ang feedback sa dalawang beauty queens dahil sa ipinakita nilang grace and poise while under pressure.

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: