What's Hot

Rufa Mae Quinto on Ethel Booba: "Retoke at its finest"

By Aedrianne Acar
Published October 26, 2018 11:23 AM PHT
Updated October 26, 2018 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang isinagot ni Ethel Booba nang sabihan siyang retokada ni Rufa Mae Quinto?

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng good vibes ng social media influencer at book author na si Ethel Booba.

TRIVIA: 32 celebs at ang mga pinaretoke nila sa katawan


Sa isang tweet, 'tila gumawa siya at ang former Bubble Gang actress na si Rufa Mae Quinto ng isang parody ng Twitter war sa pagitan nina Darren Espanto at JK Labajo.

Darren Espanto threatens legal action against JK Labajo

Heto ang buong tweet ni Ethel Booba.

“Timing 'no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na 'to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong RETOKADA. @imrufamaequinto Charot!”

Pero bago bigyan ng malisya ng ibang tao ang naturang tweet ni Ethel agad na nilinaw ni Rufa Mae Quinto sa kaniyang Instagram Story na isang joke lamang ito.