Showbiz News

Marian Rivera has 'big dreams for little people'

By Michelle Caligan

Dumalo si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa 3rd General Assembly ng Big Dreams for Little People-Philippines, na ipinagdiriwang din ang Dwarfism Awareness Month ngayong Oktubre. Sa isang video na uploaded sa Instagram account ng The DongYanatics, nagbigay ng mensahe ang aktres sa grupo ng little people.

Aniya, "Dahil para sa akin, yun ang pinakamatinding regalo sa atin ng Panginoon - kung ano ang nasa puso ng bawat isa."

Nag-post naman ang Tadhana host sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Maria Glorian Tomen, isang dwarfism awareness advocate.

"Naniniwala ako na sa dami natin sa mundong ito, may pagkakaiba man tayo sa KULAY, RELIHIYON, WIKA, KULTURA at minsan, HEIGHT, sa huli, tayo ay huhusgahan sa nilalaman ng ating puso. Kung paano tayo makikitungo sa kapwa, at paano natin magagawang mabuti ang mundong ito para sa lahat. Big dreams for little people!" saad niya sa caption.