Showbiz News

EXCLUSIVE: Ano ang unang binili ni Golden Cañedo after niya manalo sa 'The Clash?'

By Gia Allana Soriano

Sa isang interview with GMAnetwork.com, ikinuwento ng first ever The Clash champion na si Golden Cañedo kung ano ang una niyang binili after niyang makuha ang cash prize sa show.

Aniya, "Sandals. Kasi parang magagamit ko po siya every time na nandito po ako sa GMA, tsaka po bayad po ng utang."

After ng The Clash, may show na rin agad si Golden, ang Studio 7. Ika niya, "Dito sa Studio 7, napapakita namin kung ano'ng hindi namin napakita sa The Clash. Kung ano po 'yung ipinakita namin sa The Clash, mas more na may naibubuga po kami sa Studio 7."