Showbiz News

EXCLUSIVE: Rhian Ramos dismisses network transfer rumor: 'I feel lucky to be in my network'

By Nherz Almo

Muli na namang napapabalita ang umano'y paglipat ni Rhian Ramos sa ibang TV network.

Nag-umpisa ito dahil sa kaniyang bagong pelikula, ang Kung Paano Siya Nawala, makakasama niya si JM de Guzman, na isa sa mga kilalang aktor sa ABS-CBN.

Kasunod nito, panandaliang magbabakasyon si Rhian mula sa showbiz upang tuparin ang pangarap niyang makapag-enroll sa isang acting class sa New York.

Sa kabila ng mga ito, mariin namang nilinaw ng actress-TV host na wala siyang planong umalis sa Kapuso network.

“Actually, napansin ko nga na every time I work with an actor from another network I'm asked if I'm going to transfer or if I have plans to transfer.

“If you, guys, don't see me on TV, it has nothing to do with any other network.

“It's just I wanna study and it's just something I wanna do for myself.

“When I come back, I assure you that you will see me on Kapuso shows,” sabi ni Rhian nang makapanayam siya ng GMAnetwork.com sa ginanap na digicon ng Kung Paano Siya Nawala noong Sabado, November 3.

Nilinaw rin niya na anumang plano ang gawin niya--tulad ng paggawa ng pelikula sa labas ng GMA o pagbabakasyon--ipinapaalam niya ito sa kanyang home network.

“Nagpaalam ako, not just for my leave, pero nagpaalam din ako for this movie.

“Every time I do something I always ask the approval of my station,” aniya.

Para kay Rhian hindi lamang business ang turing niya sa GMA network.

“They're my home and they're my family,” sabi ni Rhian.

“You know, it's not just business. I can tell that it's not just business because they support the things that I dream of.

“They want my dreams to come true and I'm very grateful for that.

“Parang they could've been more strict with me, puwede naman kung gusto nila.

“Pero sinuportahan nila yung mga gusto ko, so I'm very grateful and I feel lucky to be in my network.”

Para naman sa fans na maghihintay sa pagbabalik ni Rhian, narito ang kaniyang mensahe, “Gusto kong magpasalamat kasi all of these years you got to watch my different shows--may it be drama, action, fantasy or comedy--sana po nae-enjoy n'yo.

“I also can't wait to come back and hopefully show you a new side of myself na baka ma-enjoy ninyo more.”