
Muling naka-confine sa ospital si Bae-by Baste dahil sa sakit na dengue.
Kakauwi lang ni Bae-by Baste at ng kanyang pamilya mula sa bakasyon sa Japan. Pero, imbis na sa bahay pumunta ay halos dumiretso na sila sa ospital.
Ani Mommy Shiela na gamit ang Instagram account ng batang dabarkad, “Dong, be brave. Isipa na lang na idol kaayo ka sa lamok, na fan na fan nimo ang lamok, na they are dying to see and stick with you. Isipa na lang na every injection, you'll get better. Get well soon anak. Let's just offer and trust everything to Him, because no prayer goes unanswered.”
Matatandaang noong July ay na-confine din si Bae-by Baste dahil sa dengue.