Showbiz News

Kiefer Ravena and Alyssa Valdez, balak sumunod sa Team Kramer?

By Bianca Geli

May posibilidad kayang sumunod sa yapak ng Team Kramer sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez?

Isa sa mga sikat na celebrity family ang pamilya ng kapwa basketbolista ni Kiefer na si Doug Kramer at asawa nitong si Chesca Garcia-Kramer.

Kaya naman sa ginanap na “Unlock the Future” event ng PLDT-Smart kagabi, November 6, tinanong ng GMAnetwork.com ang athlete couple kung magiging active din sila sa social media sakaling dumating ang panahon na magkapamilya sila.

Ayon kay Kiefer, “Bilang mga atleta, we would like to influence a lot of people with our social media avenues, like how to use social media pagiging responsible sa social media habits.”

Dagdag naman ni Alyssa, “We just want to influence the youth or makita lang kami ng fans, nakaka-inspire pa rin sa ibang mga tao.yun lang naman 'yung gusto namin. In terms of going into showbiz hindi namin alam kung anong track 'yung pupuntahan naming.”

Kahit abala sa kani-kanilang sports career, open pa rin daw sina Kiefer at Alyssa na pasukin ang showbiz o pagkakaroon ng online show tulad ng Team Kramer.

Kuwento ni Kiefer, “Kung may mga opportunities in the future, why not? As long as hindi nakakaabala sa mga priorities namin, Alyssa with volleyball and me with PBA. But we're still open to the possibility of having showbiz endeavors in the future.”

Napanood sina Kiefer at Alyssa sa sarili nilang reality show na Phenoms noong 2016.