Showbiz News

#SingleNoMore: Glaiza de Castro opens up about David Rainey

By Bianca Geli

Officially dating na ba si Glaiza de Castro at ang kaniyang Irish friend na si David Rainey?

Naging usap-usapan muli sina Glaiza at ang rumored boyfriend nitong si David, ang kaniyang surfing instructor galing Ireland na dumadalaw sa Pilipinas mula nang magkakilala sila noong Enero 2018 sa Siargao.


Na-link ang dalawa matapos mapansin ng netizens na magkasama sina Glaiza at David sa kanilang mga social media posts.

WATCH: Irish surfing instructor, nagpapasaya ngayon kay Glaiza de Castro

Lalong umigting ang usap-usapan nang mag-post si David ng picture nila ni Glaiza na magkasama sa isang event.

Noong September sumagot si Glaiza sa mga tanong tungkol sa relationship status nilang dalawa,

“Ano nga ba ang relationship status nilang dalawa? Paliwanag niya, "Tingnan pa rin natin kasi wala pa rin kaming final na... Basta ngayon bumibisita siya, nagbabakasyon, at nag-e-enjoy," kuwento niya sa 24 Oras.

IN PHOTOS: Meet David Rainey, the rumored Irish boyfriend of Glaiza de Castro